MAGING RESPONSABLE DAPAT ANG LAZADA, SHOPEE, FACEBOOK SA NANGYAYARING ONLINE SELLING SA KANILANG PLATFORMS
DTI pinakikilos para kusang busisiin ang fine prints at community standards ng online selling platforms.
Habang abala ng mga Pilipino sa kanilang Christmas shopping at paghahanap ng mga pang-aguinaldo, nanawagan ang dalawang mambabatas mula sa Mindanao na maging responsable ang mga online selling platforms and social media sites.
Ayon kay Rep. Lawrence Fortun (Agusan del Norte, First District) marapat bigyang galang ng Lazada, Shopee, at ibang pang e-commerce platforms ang mga netizens na pumapasok sa kanilang bahagi ng cyberspace sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maayos na customer experience.
Para naman kay Misamis Oriental Rep. Juliette Uy, "maraming paraan para ipagdiwang ang Pasko at Bagong Taon na iwas-COVID-19 at iwas paputok. Nariyan ang online caroling, paggamit ng electronic payments, at social media livestreaming ng worship services ng iba’t ibang pananampalataya.”
Paalala ni Congresswoman Uy na "tipirin ang anumang sweldo, bonus, o ayudang salapi."
"Hindi kabawasan sa ating dignidad na maging masinop sa panahong ito ng pandemya at sa halip na gastusin ang pera sa mga paputok, ibili na lang ng pagkain, tubig, at gamot. Huwag natin kalimutan ang mga nasalanta ng baha, lindol, at Taal Volcano eruption. Magtabi tayo ng makakaya natin para itulong sa kanila para maramdaman nila ang Kapaskuhan."
Panawagan ni Congressman Fortun sa Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission, the Bangko Sentral ng Pilipinas, at iba pang regulatory agencies na ipairal ang "transparent, proactive, preventive, incentivized, and punitive actions to protect consumers" sa gitna ng mga di maganda karanasan ng ilang netizens sa kamay ng ilang sellers (see attached screenshots).
Puna ni Fortun na "buyers in many online platforms have hardly any way of knowing the identities and whereabouts of sellers."
"When the sellers ignore or refuse to respond to their complaints and other concerns, they are left with almost no recourse to get their due. Worse, the online platforms also do not afford sufficient protection to their users and clients. It’s like ‘buy at your own risk,’” diin ni Fortun.
Sapat, ayon kay Fortun, ang consumer protection laws and regulations to protect and help online buyers now."
Aniya binubusisi dapat ng DTI ang terms and conditions, community standards, at iba pang "fine print" ukol sa mga transaksyon sa Facebook, Lazada, and Shopee sa gitna ng mga reklamo hinggil sa hassle na return and exchange policies nito.
"These must be checked for compliance with all our business laws," ayon kay Fortun. (WAKAS)
Contact information – 09177292437
Rep. Juliet Uy
Misamis Oriental 2nd District
Vice-Chair, Committee on Appropriations
Rep. Lawrence Fortun
Agusan del Norte 1st District
Member in the Minority